Isinapinal na ng Korte Suprema ang desisyon nito na nagbasura sa petisyon ng isang abogado na humihirit na obligahin si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang estado ng kanyang kalusugan.
Sa isang resolusyon, pinawalang-saysay ng kataas-taasang hukuman ang inihaing motion for reconsideration ng isang Atty. Dino De Leon dahil inulit lamang ng abogado ang kanyang mga argumento.
Batay sa kanyang mosyon, binigyang diin ni De Leon na pinagkaitan ng Mataas na Hukuman ng due process ang mga Pilipino nang agaran nitong ibasura ang kanyang petisyon.
Ayon kay De Leon, alinsunod sa Saligang Batas ay obligado ang Presidente na ilantad sa publiko ang estado ng kanyang kalusugan lalo na kung ito’y seryoso o malubha.