Ipinababasura ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Korte Suprema ang petisyon ng ABS-CBN laban sa cease and desist order ng NTC at kahilingang magpalabas ng temporary restraining order.
Laman ito ng komento ng NTC na may kasamang omnibus motion sa Korte Suprema sa pamamagitan ng Solicitor General na abogado ng pamahalaan.
Nais rin ng NTC na tanggalin ng Korte Suprema ang senado at ang Kamara bilang respondents sa petisyon ng ABS-CBN.
Iginiit ng NTC na dapat lamang ibasura ang petisyon ng network dahil sa kawalan ng merito.
Binigyang diin sa komento ng NTC na hindi press freedom ang isyu sa kaso ng ABS-CBN kun’di kung paano nakuha ng network ang kanilang kapangyarihan at kung paano nila ito inabuso.