Nai-raffle na ang petisyon ng ABS-CBN laban sa National Telecommunications Commission (NTC).
Ayon kay Atty. Brian Keith Hosaka, Spokesperson ng Korte Suprema mayruon nang member in charge na hahawak sa nasabing petisyon at confidential aniya ang resulta ng raffle sa ilalim ng internal rules ng Supreme Court.
Nakasaad sa petisyon ng Kapamilya Network ang kahilingan sa high tribunal na magpalabas ng temporary restraining order sa inisyung cease and desist order na inilabas ng NTCsa operasyon ng nasabing media giant.