Naudlot ang pagtalakay ng Korte Suprema sa writ of amparo petition ng kampo ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos.
Nagpasya ang SC o Supreme Court na i-raffle muli kung anong dibisyon ang didinig sa petisyon matapos na mag-inhibit sa pagdinig sina supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Associate Justice Andres Reyes.
Ayon kay Supreme Court Spokesman, Theodore Te, hindi nabanggit sa kanya ng mga mahistrado ang dahilan ng pag-inhibit nila sa kaso.
Ang writ of amparo ay proteksyon ng Korte hindi lamang sa korte kundi sa tinaguriang Ilocos-6 na binubuo ng mga opisyal ng Ilocos Norte na nakakulong ngayon sa House of Representatives.
Na-contempt ang Ilocos-6 makaraang hindi umano masagot ang mga katanungan hinggil sa kuwestyonableng paggamit nila sa excise tax sa tabako ng Ilocos Norte.
- Len Aguirre