Ibinasura ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ng kilusang Mayo Uno o KMU laban sa pagtataas ng singil sa kontribusyon ng mga miyembro ng Philhealth noong 2014.
Nakasaad sa Labing-Tatlong pahinang desisyon na isinulat ni Supreme Court Associate Justice Arturo Brion na wala silang nakitang basehan para pagbigyan ang hirit ng KMU.
Una nang sinabi ng KMU na nagkaroon ng pag-abuso sa kapangyarihan ang Philhealth nang maglabas ito ng Circular noong 2013 na nagtataas sa Premium Contribution Rates nito.
Pero, ayon sa kataas-taasahang hukuman, nabigo ang Kilusang Mayo Uno na patunayang umabuso sa kapangyarihan ang Philhealth.
Sa katunayan, naging risonable ang aksyon ng Philhealth na makailang ulit pang inantala ang Rate Increase para hindi maging pabigat sa mga miyembro nito.
Sinabi ng Korte Suprema na ang desisyon ng Philhealth na palawakin ang programa nito na nagresulta sa Rate Increase ay isang Business Judgement at hindi ito maaring panghimasukan ng High Tribunal dahil wala itong supervision sa Administrative Agencies at hindi nito maaaring panghimasukan ang Administrative Matters.
By: Meann Tanbio