Umabot na sa mahigit 24,000 ang lumagda sa petisyon ng mga OFW upang kondenahin ang umano’y tanim o laglag bala modus sa NAIA.
Batay sa change.org, ang petisyon ay may titulong “hanapin ang katotohanan, imbestigahan at pigilan ang laglag-bala extort modus sa NAIA”.
Ayon sa naturang petisyon, nais paimbestigahan ng mga OFW ang umano’y scam dahil kawawa anila ang mga nabibiktima kabilang na ang mga kapwa nila OFW.
Lumiliit na anila ang tingin ng mga tao sa mga OFW, partikular sa Hong Kong dahil sa naturang isyu.
By Allan Francisco