Taktika daw para madiskaril ang eleksyon sa Mayo ang petisyon ng PDP-Laban Cusi Wing na nagsusulong na mapalawig ang filing ng Certificate Of Candidacy. Ito ang inihayag NIPDP Laban Vice Chairman Lutgardo Barbo.
Ayon kay Barbo huling paraan o last ditch ito ng PDP-Laban Cusi wing para maisulong ang No-El o No Election Scenario.
Kaugnay nito, sinabi ni Barbo na dapat ibasura ng COMELEC ang naturang petisyon wala anyang otoridad mula sa tunay na liderato ng PDP-Laban ang naturang hakbang.
Ang nagfile anya ng naturang petisyon ay mga pretenders o nagpapanggap at walang personalidad para ikatawan ang partido.
Ang signatory anya sa petisyon ay mga political freeloaders at hindi pa nga miembro ng PDP-Laban.
Dahil sa kawalan anya ng standard-bearer ng cusi wing at pagkakaroon ng mga kandidato candidates na di kasapi ng partido nawalan anya sila ng clout at leverage para umangkin ng anumang kapangyarihan at karapatan sa partido. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno