Pinahaharang ng kampo ng dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo sa Korte Suprema ang anumang petisyon ng Sandiganbayan
Kaugnay ito sa posibleng paghingi ng extension sa sampung araw na ibinigay ng high tribunal para sumagot sa naunang petisyon ni Arroyo na itigil na ang pagdinig sa kaniyang plunder case
Ayon sa mosyong isinumite ni arroyo sa pamamagitan ng abogado niyang si Atty Estelito Mendoza, dapat na ibasura ng Korte Suprema ang anumang ihahaing mosyon ng sandiganbayan na mapalawig ang November 2 deadline para sagutin ang nasabing petisyon ng dating pangulo.
By: Judith Larino I Bert Mozo (patrol 3)