Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni dating Senador Bong Revilla na kumukwestyon sa probable cause ng kasong pandarambong na isinampa sa kanya kaugnay ng pork barrel scam.
Tatlong petisyon ang inihain ni Revilla sa Korte Suprema upang hindi na ituloy ng Sandiganbayan ang paglilitis sa kanya.
Matatandaang batay sa imbestigasyon ng Ombudsman, si Revilla ang nakakuha ng pinakamalaking kickback sa halagang 224 Million Pesos.
Sinundan ito ng mga dating Senador na sina Jinggoy Estrada na may kickback daw na 183 Million Pesos at Juan Ponce Enrile na nakakuha umano ng 172 Million Pesos.
Matatandaang nag-ugat ang kanilang mga plunder case dahil sa paglalagak ng kanilang mga pork barrel sa mga pekeng NGO ng businesswoman na si Janet Lim Napoles.
By: Avee Devierte