Ibinasura ng Korte Suprema ang Petition for Certiorari ni ER Ejercito kaugnay sa kahilingan nitong mapawalang-bisa ang resolusyon ng COMELEC.
Una nang hindi pinayagan ng COMELEC na mabura ang pangalan ni Ejercito sa opisyal na balota noong nakaraang halalan.
Matatandaang nag-file ng Certificate Of Candidacy si Ejercto upang makatakbo bilang Gobernador ng Laguna ngunit kanya rin itong binawi.
Sinabi ni Ejercito, grave abuse of discretion sa panig ng COMELEC ang hindi nito pagpayag na mabura ang kanyang pangalan sa balota.
Ggayunpaman, kinatigan pa rin ng Korte Suprema ang COMELEC sa desisyon nitong hindi burahin ang pangalan ni Ejercito.
By: Avee Divierte