ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng natalong Senatorial Candidate na si Francis Tolentino na nagpapatigil sa COMELEC na iproklama Congressman Sherwin Gatchalian, Senador Ralph Recto, at dating Justice Secretary Leila de Lima.
Sila ang mga Senatorial Candidate na nakakuha ng Ika-Sampu, Ika-Labing-isa, at Ika-Labindalawang pwesto sa nagdaang eleksyon.
Ayon sa mga mahistrado, Moot and Academic ang petisyon ni Tolentino dahil naiproklama na ng COMELEC noon pang Isang Linggo ang Labindalawang nanalong kandidato sa pagkasenador.
Matatandaang nasa Ika-Labingtatlong pwesto si Tolentino batay sa election results.
Ngunit nakomprimiso, aniya, ang Autimated Elections dahil umano sa data manipulation.
By: Avee Devierte