Nakatakdang talakayin ng Supreme Court ngayong araw ang petisyon ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos at anim na provincial official na humihirit ng proteksyon laban sa Kamara.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Kamara hinggil sa alegasyon na ginamit umano ng provincial government ang Tobacco Excise Funds upang ipambili ng mga “overpriced” na sasakyan.
Isinama ng S.C. sa kanilang regular En Banc Session ang pagtalakay sa petisyon upang pagpasyahan ang mga hirit nina Marcos kabilang ang issuance ng Temporary Restraining Order na magpapatigil sa imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Bukod sa T.R.O., hinihiling din ng gobernador sa Korte Suprema na maglabas ng Writ of Amparo at pagpasyahan na ang Habeas Corpus case ng Ilocos Six na nakatengga sa Court of Appeals.
By: Drew Nacino
Petisyon ni Gov. Imee Marcos at ng Ilocos 6 nakatakdang talakayin sa SC was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882