Dinismis ng Korte Suprema ang petisyon ni Janet Lim Napoles para mabasura ang kinakaharap na mga kasong kriminal kaugnay sa anomalya sa paggamit ng pork barrel ni dating Congressman Rodolfo Ompong Plaza.
Pinagtibay ng high tribunal ang desisyon ng Ombudsman na may probable cause para litisin si Napoles sa Sandiganbayan sa kasong malversation of public funds, corruption of public officials at paglabag sa anti graft and corrupt practices act.
Si Napoles ay inakusahang nagbigay ng kickback kay Plaza matapos ilagay ang halos 28 Million Pesos na PDAF ng dating Kongresista sa kaniyang pekeng NGO mula 2004 hanggang 2010.
By : Judith Larino / Bert Mozo