Ibinasura ng Sandiganbayan ang petisyon ni Janet Lim Napoles na malipat sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice o DOJ.
Ito ayon sa First Division ay dahil malinaw sa IRR o implementing rules and regulations ng witness protection, security and benefit program na hindi uubrang state witness ang sinumang respondent na nakakulong.
Sinabi ng Anti-Graft Court na malakas ang ebidensya nila laban kay Napoles para litisin ito sa multi-billion peso Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
—-