Ibinasura ng Korte Suprema ang inihaing petition for certiorari ng negosyante at hinihinalang big time drug lord na si Peter Go Lim.
Kaugnay ito ng hiling ni Lim na ipatigil ang isinagawang reinvestigation ng Department of Justice (DOJ) laban sa kanya na nag-ugat naman sa pagsasampa ng kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi pinaboran ng Korte Suprema si Lim dahil sa kabiguan nitong patunayang nagkaroon ng grave abuse of discretion ang utos ni dating Justice Secreatry Vitaliano Aguirre na muling pa-imbestigahan ang kaso.
Nakasaad din sa desisyon ng Korte Suprema na nakaayon sa mga ebidensiya at sa batas isinampang kaso laban kay lim.
Unang hiniling ni Lim sa Korte Suprema ang pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa muling pagpapa-imbestiga sa kanyang kasong may kaugnayan sa iligal na droga na aniyay nakabatay lamang sa mga alegasyon.
—-