Idineklara nang submitted for resolution ng Court of Appeals ang petisyon ni suspended Makati City Mayor Junjun Binay, kaugnay sa ikalawang suspension order laban dito na ipinatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Justice Melchor Sadang, ito ay matapos magpaso na ang kanilang itinakdang oras para mag kumento si Binay sa komento ng DILG sa kaso.
Sa komento nito, sinabi ng DILG na hindi sila dapat isama sa kaso na isinampa ni Binay dahil sila ay tagapagpatupad lamang ng utos ng Ombudsman.
By Katrina Valle | Bert Mozo (Patrol 3)