Ipinababasura nina ACT Teachers Partylist Representatives Antonio Tinio at France Castro sa Department of Justice ang petisyon na nag- dedeklara sa CPP-NPA at mga taga suporta nito bilang mga terorista.
Ayon kina Tinio at Castro , dapat ipakita ng pamahalaan na seryoso ito sa planong muling pagbuhay sa usapang pangkapayapaan sa mga rebelde.
Giit ni Tinio , kasama sa listahan ng mga ipinadedeklarang terorista ang pangalan ng ilang miyembro ng NDFP negotiating panel.
Kamakailan ay inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si CPP Founding Chair Jose Maria Sison para personal na saksihan ang itatakbo ng peacetalks sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng grupo.