Posibleng ihain na ng Department of Justice o DOJ sa susunod na linggo ang petisyon para ideklarang terorista ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army o CPP-NPA.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, meron pa silang nakatakdang last-minute consultation sa Office of the Executive Secretary at iba pang intelligence services ng pamahalaan.
Inaasahan naman ni Aguirre na magiging puspusan ang pagdinig ng korte kaya hindi minamadali ang paghahain ng petisyon.
Kakailanganin pa aniyang makuha ang lahat impormasyon hinggil sa mga terroristic activities ng NPA.
Sinabi pa ni Aguirre na kanila na ring hinihintay ang resolusyon ng korte kaugnay naman ng petisyon para sa pagkansela sa piyansa ng mga consultant ng CPP.
—-