Muling nahaharap sa kaso si Senador Grace Poe isang araw matapos itong maghain ng certificate of candidacy para sa 2016 presidential election.
Isang Atty. Estrella Elamparo ang naghain ng petisyon sa Commission on Elections upang kanselahin ang COC ni Poe.
Nakasaad sa petisyon ni Elamparo na nais nilang matiyak na ang mga kandidato sa halalan ay walang kwestyonableng kwalipikasyon lalo sa pinaka-mataas na posisyon.
Bukod dito, nauna ng sinampahan ng disqualification case ang senador dahil sa nationality at citizenship nito.
By: Drew Nacino | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)