Bukas na bukas sa paghahain ng wage increase petition ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).
Subalit, inamin sa DWIZ ni TUCP Spokesman Allan Tanjusay na hindi pa napapanahon ang paghahain ng petisyon sa dagdag-sweldo dahil maraming kumpanya ang sarado pa.
Sa halip, ipinabatid ni Tanjusay na nakikiusap sila sa Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin ang kampanya ng gobyerno laban sa mga hoarders na siyang nagpapataas ng presyo ng bilihin kaya’t nahihirapan ang mga manggagawa na mag budget para sa kanilang pamilya.
Malinaw aniyang harap-harapan ang paglabag ng traders sa price freeze na pinaiiral.
Meron kaming pakiusap kay Pangulong Duterte na ibibigay namin sa kanya sa pamamgitan ng sulat. Pangunahing nilalaman ng sulat ay paigtingin ang kampanya ng gobyerno laban sa profiteering, sa mga nagho-hoard,” ani Tanjusay. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas