Sinimulan na ang pagdinig para sa petisyon na humihiling na payagan ang gay marriage sa Taiwan.
Inaantabayan ang paglahok ng legal experts at mga opisyal ng gobyerno ng Taiwan sa isang pagdinig sa kasong posibleng maglunsad sa kauna-unahang lugar sa asya kung saan pinapayagan ang gay marriage.
Inaasahang magtatagal ang pagdinig ng dalawang buwan.
14 na mahistrado ang magdedebate kung alinsunod sa kanilang saligang batas ang pahintulutang ikasal ang gay activist na si Chi Chia-Wei sa kanyang partner.
Una nang nagtangkang magrehistro ng kasal si Chi noong 2013 ngunit nabigo kaya’t itinuloy niya sa Korte ang kanyang petisyon na siyang sentro ngayon ng pagdinig.
By Avee Devierte