Nadagdagan pa ang petisyon para kanselahin ang certificate of candidacy at ipa-disqualify si Presidential Aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa 2022 National Elections.
Inihain kahapon sa COMELEC ng grupong Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law ang disqualification case laban kay Marcos.
Ayon sa mga petitioner, hindi dapat payagan ng COMELEC na tumakbo si Marcos dahil sa kanyang conviction sa paglabag sa Internal Revenue Code na basehan para sa penalty at perpetual disqualification sa paghawak ng public office.
Giit pa ng mga petitioner, nagsinungaling rin umano si Marcos sa kanyang iniharap na certificate of candidacy nang isaad nito na hindi pa siya napapatunayang nagkasala sa anumang kaso na may parusa na habang buhay na pagbabawal na pag-upo sa gobyerno.
Ito na ang ikatlong petisyon laban kay Marcos. —sa panulat ni Hya Ludivico