Muling magsu-sumite ng petisyon ang MRT-3 para sa taas pasahe sa susunod na taon.
Ito ang kinumpirma ni Transport Assistant Secretary for Railways at MRT-3 OIC General Manager Jorjette Aquino matapos ang kanilang reassessment nagdesisyon silang maghain sa DOTr Rail Regulatory Unit ngayong linggo para sa dagdag pasahe sa LRT-1 at LRT-2.
Nabatid na ₱16 minimum charge mula sa ₱13 ang biyaheng North Avenue station patungong Quezon Ave. station habang ₱34 naman na pasahe mula North Ave., hanggang Taft Avenue station na mula sa kasalukuyang ₱28.
Giit ng ahensya na ang taas-pasahe ay para sa pagpapabuti pa ng maintenance at operations ng MRT-3 kabilang ang dagdag na configuration sa train sets.
Kaugnay nito binigyang diin pa ni Asec. Aquino na mababawasan ang nilalaang subsidiya ng gobyerno para sa MRT-3 kung maaprubahan ang taas-pasahe.
Samantla, sa oras na mabigyan na ng go signal ay inaasahan ng MRT-3 management na maipatupad ang taas-pasahe sa Marso o Abril ng 2024. - sa panulat ni Jeraline Doinog