Nakatakdang dinggin sa Miyerkules ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang inihaing petisyon ng mga transport group.
Ito’y para ihirit ang P2 umento sa minimum na pasahe sa mga jeepney sa harap na rin ng sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada, kinakailangang pag-aralang maigi ang nasabing petisyon upang timbangin kung ito’y makaaapekto o hindi para sa mga komyuter.
Magugunitang nagsanib-puwersa ang limang transport group upang maghain ng petisyon noong isang linggo para igiit ang P10 minimum na pasahe sa dahilang hindi na nila kayang balikatin ang iba pang gastusin tulad ng mahal na presyo ng spare parts.
—-