Tiniyak ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Ed Lacson na dadaan sa masusing pag-aaral ang petisyon para sa umento sa sahod ng mga manggagawa.
Ipinaliwanag ni Lacson na kung susuriin, wala pang isang porsyento ang dapat igalaw ng minimum wage, subalit hindi naman ito magiging makatarungan dahil nasa P0.36 lang ito kada araw.
Bahagi ng pahayag ni ECOP President Ed Lacson
Binigyang diin din ni Lacson na sa halip na ang pagtataas sa minimum wage, ang dapat na tinututukan ng pamahalaan ay ang paggawa ng mas maraming trabaho lalo na at 10 milyong Pilipino ang walang trabaho o kaya ay underemployed.
Bahagi ng pahayag ni ECOP President Ed Lacson
By Katrina Valle | Balitang Todong Lakas