Hiniling ng mga residente sa Iloilo City sa Energy Regulatory Commission (ERC) na umaksyon sa hirit nilang refund laban sa MORE Electric and Power Corporation.
Kanina, naghain ng reklamo ang consumer group na Koalisyon Bantay Kuryente sa ERC para sa ibalik ang 20 Milyong pisong sobrang singil nito para sa dalawang buwan.
Giit ng grupo, sobra anila ito sa siningil ng MORE sa mga konsyumer ng Ilo-ilo dahil sa systems loss at lagpas na ito sa 6.25 percent cap ng ERC.
Ayon sa grupo, kasabay nilang naghain din ng kaparehong reklamo ang Panay Electric Comp. (PECO) dahil sa umano’y overpricing sa kanilang singil.
Ipinaliwanag ni Marcelo Cacho, PECO Head Of Public engagement and Government Affairs ng PECO, kung umabot sa P0.7162/kWh ang System loss ng MORE noong Mayo at ito ay i-multiply sa monthly average total power consumption ng Iloilo City, aabot sa estimated 54,000 mwh.
Kung susumahin, papalo aniya sa P41 Million o mahigit sa P13-M ang kabuuang halagang nasingil ng MORE kumpara sa baseline ng PECO na nasa P28-M lamang.
At dahil nagtuloy-tuloy aniya, ang billing cycle na ito ng MORE hanggang noong buwan ng Hulyo ay aabot na sa P20.9M ang Unfair charges na kanilang nakolekta sa mga Consumer.
Upon showing that the systems loss had reached 12.85% for the month of May, sabi ni Cacho, “12.85% already is way over the systems loss cap, the 0.7612 was a huge jump from their previous bill which was around 47 cents, the mark-up is close to 40%. ERC must make them accountable and hold them to answer that question.”
The ERC should exercise its authority on MORE and investigate these matters. All these claims we are throwing—-systems loss, power outages—-we are getting these from MORE’s own data. From their own Facebook page and bills. Based on previous answers of MORE, they are just denying it and saying that the figures are bloated. But every screen shot of their Facebook is sent to ERC, ” dagdag pa nito.