Malinaw na premature ang petisyon sa Korte Suprema ng PHILCONSA o Philippine Constitution Association na naglalayong ipadeklarang unconstitutional ang FAB o Framework Agreement on the Bangsamoro at CAB o Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Gayundin ang kahilingan na ipahinto ang pagpapalabas ng pondo para sa implementasyon ng mga nasabing kasunduan at ng Bangsamoro Basic Law.
Ito ang nagkaisang inihayag nina President Franklin Drilon at Senador Chiz Escudero.
Giit ni Drilon, walang magiging epekto sa pagpapasa sa BBL ang nabanggit na petisyon dahil hangga’t hindi pa nakalulusot ang BBL sa kongreso, armed law ang patuloy na iiral.
Sinabi naman ni Escudero na karapatan nina PHILCONSA President Martin Romualdez na mag-file ng petisyon pero premature pa, aniya, lalo na ang kahilingan na pigilan ng Korte Suprema ang Department of Budget and Management (DBM) na ipalabas ang pondo para sa implementasyon ng BBL.
By Avee Devierte | Cely Bueno (Patrol 19)