Tuloy na tuloy na pagpapatupad ng ‘no bio, no boto policy’ sa darating na 2016 elections.
Ito ay matapos na ibasura ng Korte Suprema ang petisyon ng Kabataan Partylist na kumukwestyon sa legalidad ng no bio, no boto policy ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te, walang merito ang naging petisyon ng naturang grupo.
Nakasaad pa sa desisyon na ang layunin ng COMELEC ay malinis ang listahan ng mga botante at makatulong upang maiwasan ang mga kaso ng electoral fraud.
Dahil sa naging ruling ay ipinawalang bisa na din ng Korte Suprema ang una nang ibinigay na Temporary Restraining Order (TRO) sa Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa pagpapatupad ng ‘no-bio no-boto policy’ sa eleksyon.
By Rianne Briones