Maghahain ng petisyon ang grupong Bayan laban sa nakaambang hanggang P2 kada cubic meter na taas singil sa tubig sa Enero ng susunod na taon.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, nakatakda nilang isumite ang petisyon sa regulatory office ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), bukas, December 9.
Ani Reyes, hindi nararapat ipatupad ang water rate hike dahil hindi naman nagagampanan ng Manila Water at Maynilad ang mga probisyon sa kanilang nilagdaang concessionaire agreement.
Ito ay sa gitna na rin aniya ng nagpapatuloy na water service interruptions na nararanasan ng mga customers ng dalawang water concessionaires.
Iginiit din ni Reyes ang pagiging kuwestiyonable ng kontra ng Manila Water at Maynilad lalu na sa usapin ng ginagamit na batayan sa pagtataas nila ng singil sa tubig.