Posibleng talakayin na ng Commission on Elections (COMELEC) ngayong araw ang petisyon ng PDP-Laban na humihiling na ipagpaliban ang pag-iimprenta ng balota na gagamitin sa May 9, 2022 elections.
Ayon kay COMELEC James Jimenez, i-re-refer sa COMELEC En Banc ang mosyong inihain ng PDP sa pangunguna ni Energy Secretary Alfonso Cusi na pangulo ng partido.
Sa 20 pahinang petisyon ng kalihim, hinimok nito ang poll body na i-reschedule ang pag-i-imprenta ng mga balota dahil sa mga nakabinbing kaso laban sa ilang kandidato at partylist organizations.
Sisimulan ng poll body ang pag-i-imprenta ng mga balota sa Enero a-15. —sa panulat ni Mara Valle