Ihahain na ngayong araw ng ilang labor groups ang pormal na petisyon para sa hirit na dagdag-sahod sa mga manggagawa sa buong bansa.
Ipapadala ang petisyon sa regional tripartite wages and productivity board sa National Capital Region para sa panawagang P100 dagdag sahod.
Susundan ito ng protesta ng iba’t ibang grupo kabilang ang mga miyembro ng partido ng manggagawa.
Matatandaang una rito, sinabi ng grupo na kulang ang sahod ng mga manggagawang Pilipino lalo’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Bilang solusyon, dapat anilang kumita ang mga Pinoy ng P33,000 kada buwan, para makatugon sa tumataas na inflation rate.