Tiwala ang National Union of People’s Lawyer – Panay na papaboran ng Korte Suprema ang kanilang inihaing petisyon para harangin ang anim na buwang pagpapasara sa isla ng Boracay.
Ayon kay NUPL-Panay Counsel Atty. Angelo Karlo Guillen, hindi puwedeng basta ipasara ang Boracay sa pamamagitan lamang ng verbal order.
Iginiit ni Guillen, kinakailangan pa ang pagpapasa ng isang batas sa Kongreso lalo’t marami aniya ang maaapektuhan ng pagpapasara ng nasabing isla.
Umaasa si Guillen na bukod sa petition for prohibition at mandamus with prayer for temporary restraining order o TRO, magpapalabas din ang Korte Suprema ng status quo ante order para mapigilan ang anim na buwang pagsasara ng Boracay na nagsimula na ngayong araw.
—-