Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong humaharang sa pagbili at paggamit sa COVID-19 vaccine ng Sinovac.
Ayon sa high tribunal bigo ang petitioners na tukuyin ang batas na pumapabor sa kanilang kahilingan.
Batay sa petisyon ng grupo ni dating Mayor Pedrito Nepomuceno ng Boac, Marinduque dapat magsagawa ng trials ang DOH at FDA bago payagan ang anumang bakuna.
Binigyang diin naman ng korte suprema ang Republic Act 11494 o Bayanihan to Recover as Once Act kung saan ang pangulo ng bansa ang may discretion para tugunan ang COVID-19 pandemic.
Sinabi pa ng kataas taasang hukuman na hindi nila uubrang utusan ang gobyerno na magsagawa ng testing bago maipamahagi ang mga bakuna sa publiko.