Pinadideklara nang terorista ng pamahalaan ang CPP-NPA o Communist Party of the Philippines – New People’s Army dahil sa sunud-sunod na pag-atake nito sa mga tropa ng militar sa kanayunan.
Kahapon, pormal nang naghain ng petisyon si Senior State Prosecutor Peter Ong sa Manila Regional Trial Court para hilingin na gawing terorista ang NPA batay na rin sa probisyon ng Human Security Act.
Magugunitang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagbansag na terorista sa mga miyembro ng komunistang grupo dahil sa patuloy na pagsuway nito sa mga kasunduan habang nagpapatuloy pa nuon ang usapang pangkapayapaan.
Gayunman, nakasaad sa batas na kinakailangang maghain muna ng petisyon sa korte ang pamahalaan upang maisapormal na ang pagbansag sa CPP-NPA bilang mga terorista.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio