Tinugunan lamang ng Bureau of Immigration (BI) ang isinampang petisyon ng kampo ni transgender Jennifer Laude na ideklarang undesirable alien si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Atty. Harry Roque, isa sa mga abogado ng pamilya Laude.
Binigyang diin ni Roque na ipatutupad lamang ang deportation order ng Immigration pagkatapos mapagsilbihan ni Pemberton ang kaniyang sentensya.
“Nagsampa din kami ng petisyon para ma-classify na undesirable alien itong si Pemberton, dahil ang ginawa naman niya po ay pagpatay kung ikukumpara niyo naman po sa ginawa nung fiancé ni Jennifer na ober da bakod, napakaliit naman pong bagay ang ober da bakod, so nagkaroon na po ng decision ngayon na undesirable alien itong si Pemberton pero ang aking pong i-emphasize lang po eh siya po ay ide-deport matapos po na masilbihan ang kanyang sintensya kung siya ay mapapatunayang nagkasala.” Ani Roque.
Sinabi ni Roque na bago mag-Disyembre ay tiyak nang lalabas ang desisyon ng korte hinggil sa nasabing kaso.
“Inaantay na po natin kahit anong oras ay lalabas na po ‘yan dahil ang last day po ni judge ay December 5 kung di ako nagkakamali, pero ang sabi naman po ni judge ay di na po aabot ng Disyembre ‘yan so anytime literally po ay puwede nang lumabas ang desisyon.” Pahayag ni Roque.
By Judith Larino | Karambola