Kukwestyunin ng grupong VACC o Volunteers Against Crime and Corruption ang umano’y pagsumite ni Senadora Leila De Lima ng mga dokumento na hindi naman totoo niyang pinanumpaan sa harap ng notary public.
Layon ng VACC na mapanagot sa kasong falsification of public document si De Lima.
Lumalabas sa naging presentasyon ng Office of the Solicitor na imposible umanong mapanumpaan ni De Lima sa harap ng isang Attorney Maria Cecille C. Tresvelles-Cabalo noong February 24, 2017 ang petisyon ng senadora dahil nakapiit siya sa Philippine National Police o PNP Custodial Center.
Batay rin sa logbook ng nagbabantay sa naturang piitan, walang Attorney Cabalo na dumating o pumasok sa pinagpiitan ni De Lima upang papanumpain ang senadora sa kanyang petisyon, kaya malinaw na palsipikado ang petisyong inihain niya sa Supreme Court.
Pangungunahan ng lead counsel ng VACC na si Attorney Ferdinand Topacio ang paghahain ng reklamo laban kay De Lima.
By Avee Devierte |With Report from Bert Mozo