Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hiniling ng Department of Health (DOH), na ibasura ang petisyon na naglalayong itigil ang pagbabakuna ng gobyerno kontra COVID-19 sa mga batang may edad na lima hanggang labing isang taong gulang.
Tiniyak ni Vergeire sa publiko na ang lahat ng bakunang COVID-19 na makukuha sa bansa ay sumailalim sa komprehensibong pagsusuri ng mga eksperto.
Samantala, sinabi ni Vergeire na ang pagbabakuna sa bata para sa COVID-19 ay boluntaryo, ibig sabihin, ang bata ay hindi bibigyan ng bakuna nang walang pahintulot mula sa isang magulang o tagapag-alaga.
Gayunpaman, hinikayat ng opisyal ang mga magulang na bigyan ng vaccine ang mga anak dahil maraming bata ang nahawa at na-oospital dahil sa Omicron variant. —sa panulat ni Kim Gomez