Tuluyan nang ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong kumukwestiyon sa pagkakahalal ng mga mambabatas kay Quezon Representative Danilo Suarez bilang minority leader ng Kamara de Representantes.
Unanimous ang resulta ng botohan kaya’t ibinasura ang petisyong inihain ni Ifugao Representative Teddy Baguilat at ng iba pang kasapi ng tinaguriang “Magnificent 7″ sa Kamara.
Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, hindi ang mga petitioner ang tamang partido para humiling ng hinihingi nilang remedyo.
Si Baguilat ay pumangalawa kay Congressman Pantaleon Alvarez sa pagka-House Speaker at alinsunod umano sa tradisyon, si Baguilat ang dapat na hinirang bilang minority leader.
Pero, nagdaos ng hiwalay na botohan ang minority at mga independent member ng Kamara kung saan nanalo bilang minority leader si Suarez.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo
Petisyong kumukwestyon sa pagka minority leader ni Rep. Suarez ibinasura ng SC was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882