Pinakakasuhan ng Department of Justice ang mga opisyal ng Smartmatic gayundin ang mga I.T. o Information Technology experts ng COMELEC o Commission on Elections.
Kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Law ang inirekumenda ng DOJ laban sa mga nabanggit kaugnay sa pagpapalit ng hash code sa transparency server nuong 2016 Presidential Elections.
Nag-ugat ito sa inihaing reklamo ni DWIZ Karambolista at dating Abakada Partylist Rep. Jonathan Dela Cruz na siyang campaign adviser ni dating Senador Bongbong Marcos.
Nakasaad sa 41 pahinang resolusyon na nilagdaan ni Justice Usec. Deo Marco, binago nito ang naunang ruling ng Manila Prosecutors Office nuong Setyembre 2016 at kinatigan ang mga inihaing argumento ni Dela Cruz na nakalagay sa kaniyang petition for review.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo