Inihirit ng kontra daya sa Commission on Elections ang pagbasura sa petisyon ng PDP-Laban na muling buksan ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC).
Iginiit ni Kontra Daya Convenor Danilo Arao na ginagawa umanong katatawanan ng PDP-Laban ang eleksyon.
Ito, anya, ay dahil binabaliwala na lamang ng naturang partido ang itinakdang rules ng poll body sa paghahain ng kandidatura, lalo’t matagal nang napaso ang deadline.
Magugunitang itinakda ng COMELEC noong oktubre a –1 hanggang a – 8 noong isang taon ang filing period ng COC. —sa panulat ni Drew Nacino