Kinumpirma ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chariperson Cheloy Garafil na posibleng aprubahan nila ang petisyon sa pagtaas ng pamasahe sa jeep.
Mababatid na ito ay sa gitna pa rin ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Garafil, pagdedesisyunan ng tanggapan sa susunod na linggo ang mga petisyong nakahain para sa fare increase na naglalaro sa tres hanggang kwatro pesos.