Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang petisyong taas-sahod sa Western Visayas.
Ayon kay Labor Regional Director Sixto Rodriguez Jr. ire-review na lamang ito ng National Wages and Productivity Commission bago maisapinal.
Sa petisyon, naglalaro sa P55 hanggang P110 kada araw ang dagdag na taas sahod para sa mga manggagawa.
Dahil dito, ang mga kasambahay ay makakatanggap ng P4K hanggang P4, 500 kada buwan, habang P410 ang sahod ng Agricultural workers kada araw.
Samantala, nilalaman din ng petisyon na maglalaro sa P420 ang matatangap na sahod ng mga empleyado ng pribadong sektor kung may mababa pa sa sampung manggagawa at P450 kung mataas pa sa sampu ang manggagawa.
Noong November 2019 ang huling wage hike sa Western Visayas.