Hindi pa muna inaktuhan ng Korte Suprema ang inihaing Petition for Habeas Data ni Senadora Leila de Lima.
Pinagpaliwanag na muna nito ang Office of the Solicitor General kaugnay sa lawak ng immunity sa kaso ni Pangulong Rodrigo Duterte at kung maituturing bang sole respondent lamang ang Pangulo sa inihaing petition ni De Lima.
Sampung (10) araw lamang ang ibinigay ng Supreme Court sa Office of the Solicitor General para ipaliwanag sa hukuman ang mga nabangit na isyu.
Saka pagkukumentuhin ng Korte Suprema ang Pangulong Duterte.
Nauna nang nagpasaklolo sa Supreme Court si De Lima kaugnay sa aniya’y ginagawang panggigipit sa kanya ng Pangulo.
By: Avee Devierte / Bert Mozo