Tinalakay na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga public utility bus operator na itaas ang minimum na pasahe.
Kabilang sa mga humihirit ng dagdag-pasahe ang southern Luzon Bus Operators Association, nagkaisang samahan ng nangangasiwa ng panglalawigang bus sa Pilipinas at Samahang Transport Operators ng Pilipinas.
Nakasaad sa kanilang petisyon na gawing P20 ang minimum fare para sa unang limang kilometro sa air-conditioned buses mula sa kasalukuyang P13 at P3.40 para sa karagdagang kilometro.
Humihiling din ang mga nasabing operator ng P15 increase sa ordinary bus mula sa kasalukuyang P11 at P2.70 para sa karagdagang kilometro.
Para sa provincial buses, inihirit naman nila ang P15 minimum fare sa ordinary buses na may P2 charge per kilometer; P2.50 per kilometer para sa regular air conditioned buses;
P2.60 centavos per kilometer para sa de luxe; P2.70 per kilometer para sa super de luxe habang P3.60 per kilometer para sa luxury.
Ipinunto ng mga operator na nabawasan ang mga PUB na nag-o-operate dahil sa oil price hike.
Inihayag naman ni LTFRB Chairperson Cheloy Garafil na bagaman naiintindihan nila ang sentimyento ng mga pub operator, dapat maging balanse ang dagdag-pasahe sa kakayahan ng mga commuter.