Sasabak nang muli sa tennis si two-time Wimbledon champion Petra Kvitova.
Ito ay matapos ang apat na buwang pamamahinga makaraang masaksak ito sa kanyang bahay sa Czech Republic noong Disyembre.
Ayon kay Kvitova, kanyang susubukan ang kanyang kapalaran sa French Open matapos maging maganda ang lagay ng kanyang recovery.
Matatandaang naging rank number 2 sa women’s tennis ang 27-anyos na si Kvitova noong 2011 habang kasalukuyan itong nasa ika-14 na pwesto sa world rankings.
Ang French Open ay magsisimula sa Mayo 22.
By Ralph Obina
Petra Kvitova sasabak nang muli sa French Open was last modified: April 18th, 2017 by DWIZ 882