Ipinapaaresto na ng Sandiganbayan 5th Division si dating Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosives Office Head Chief Supt. Raul Petrasanta, at 13 iba pa.
Kaugnay ito sa kinakaharap ng grupo na kaso kaugnay sa maanomalyang paglalabas ng lisensya para sa mga AK-47 rifle.
Ayon sa Sandiganbayan, mayroong probable cause upang ituloy ang pagdinig sa kaso, kaya naman ibinasura na ang mga mosyon ni Petrasanta na suspendihin ang pagdinig sa kaso at ang pagpigil sa paglalabas ng warrant of arrest laban sa kanya.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)