Kasado na ngayong araw ang rollback sa diesel na ipatutupad ng Independent oil player na Petro Gazz.
Sa kabila ito ng malakihang taas-presyo sa langis sa bansa na ipinatupad ng maraming oil companies na epektibo kahapon.
Ayon sa Petrogazz, papalo sa P3.50 centavos kada litro ang ipatutupad nilang bawas-presyo sa diesel sa mga pili nilang istasyon.
I-aalok ito simula alas-6 ng umaga mamaya na magtatagal hanggang alas-10 ng gabi sa Hunyo a-11.
Dahilan ng tapyas-presyo ang sobrang suplay ng diesel sa ilang istasyon ng Petrogazz.