Epektibo na ngayong araw, Marso a-10 ang malaking bawas-presyo sa diesel at gasolina ng kumpaniyang Petro Gazz.
Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng mas malakihang oil price hike sa mga susunod pa na linggo bunsod narin ng lumalalang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon sa Petro Gazz, tatagal hanggang Marso a-13 ang rollback sa presyo ng langis at sakop nito ang lahat ng kanilang gas station sa bansa.
Maglalaro sa P5.85 centavos ang tatapyasin sa presyo ng kada litro ng diesel at P3.60 centavos naman sa kada litro ng gasolina.
Layunin ng naturang kumpaniya na mabawasan ang epekto sa mga motorista dahil sa panibagong round ng oil price hike at posibleng lalo pa itong sumipa sa susunod na linggo kung saan, ang presyo ng diesel ay posibleng madagdagan ng P12.72 centavos kada litro habang P8.28 centavos naman sa kada litro ng gasolina. —sa panulat ni Angelica Doctolero