Pinatalsik ng Petro Gazz ang Cherry Tiggo sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.
Ito ay matapos maka-set-score ang Petro Gazz ng 25-15, 25-17, 25-13 sa Arantea Coliseum kahapon.
Ibinigay ng Gazz Angels ang ikalawang magkasunod na pagkatalo ng crossovers sa semifinals ng naturang laro.
Nakapagtala naman ng 18 points, 14 attacks at 4 aces si American Spiker Lindsey Vander Weide, habang may 15 points, 11 kills at 4 blocks si Myla Pablo at 11 points si Aiza Maizo Pontillas.
Samantala, si Mylene Paat lamang ang nakapagtala ng double-digit score para sa Cherry Tiggo na may 10 puntos. -sa panunulat ni Hannah Beatrisse Oledan