Pinabulaanan ng kumpanyang Petron ang kumalat na balitang nasunog ang kanilang oil refinery sa Limay, Bataan kasunod ng pagtama ng magnitude 6.1 na lindol sa Luzon.
Sa kanilang ipinalabas na pahayag, sinabi ng Petron na ang nakitang apoy sa kanilang refinery ay resulta ng karaniwang paglagablab ng petrolyo kapag itinitigil ang operasyon ng planta.
Anila, pansamantalang isinara ang oil refinery dahil sa pagpalya ng mga inilagay na proteksyon sa ilang bahagi nito kasunod ng malakas na lindol.
Iginiit ng Petron na mali ang kumakalat na balitang nagkaroon ng sunog sa kanilang planta.